Tagalog tayo ngayon..
Dati ko na naririnig pangalan ni Bob Ong. Nagkalat sa 'inbox' ng mga telepono yung mga pinasikat nyang linya. Madalas din akong mag-globe unlimited text dati para ipasa sa mga kaibigan ko yung mga nakakatuwa nyang 'quotes'.
Kaya pag-uwi ko ng Pinas, sinigurado kong bibili ako ng mga libro nya..nakabili ako ng 5 (ABNKKBSNPLAK, Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pinoy, Ang Paboritong Aklat ni Hudas, Stainless Longganisa at MacArthur). Yung isa hindi available sa Powerbooks nung magpunta ako ng MOA. Wala na kong time maghanap pa sa ibang bookstores noon kaya sabi ko kay Sherwin ibili nya ako ng book at ipadala kay Mau pagpunta nya dito.
Inumpisahan kong basahin yung unang libro sa Pinas (ABNKKBSNPLAK) pero di ko natapos kasi nakikipag-agawan yung pinsan ko (si Sheryl) kaya ipinaubaya ko na muna. Sinimulan ko din sa Pinas yung isa (Bakit baliktad magbasa ang mga pinoy) kahit di ko pa tapos yung isa pero nakita ni Joy (pinsan ko din)..ayun kinuha din..
Natapos ko nalang talagang basahin yung mga yun pagpunta ko dito.. (yung unang libro sa eroplano ko natapos)..Binabasa ko habang naghihintay ng bus, habang nakasakay sa bus, habang nasa escalator, habang naghihintay ng MRT at habang nasa MRT...at kung minsan, pag ayaw kong tigilan, kahit nasa office ako..hehe.. sabi nga ni Sherwin kapal daw ng face ko pati sa office nagbabasa ako..kaya kapag natanggal ako sa trabaho sisisihin ko si bob ong..hahaha! Madalas ako tumatawa mag-isa. Natawa din ako minsan, nung binabasa ko yung Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pinoy, pabaliktad kasi yung cover..kaya yung isang intsik na katabi ko sa MRT tingin ng tingin sa akin..siguro nagtataka kung bakit baliktad yung picture..hehehe..
Madami akong natutunan sa books. Kaya kung nakakaintindi ka ng Tagalog dapat mo syang basahin..
Quotes from Bob Ong:
Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan.
Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n’ya e hindi nagkasala ng panggagaya.
Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.
Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galing mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre-report sa trabaho para lang matulog.
Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarap at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.
Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.
Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.
Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila
Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.
…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…
Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.
Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.
Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.
Hell ang high school. Cool.
Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.
Walang taong panget. Nagkataon l ang na yung mukha nila hindi uso at hindi in.
Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!
Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.
Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.
diploma..ritual ‘yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para magkatrabaho ka at kumita ng disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?
Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.""...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo."
...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.
mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
iba ang informal gramar sa mali!!!
kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa
kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.
dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.
ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko
iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala
mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala
Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...
Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you
kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..
No comments:
Post a Comment