Monday, September 6, 2010

Please Give Me Some Light

Because I don't understand,

1. That when rain pours Philippine Embassy shall close as early as 8:45 AM 

- it actually opens 9:00 AM. We arrived there a quarter before but they wouldn't allow us in because according to them the queue is already long and we'll get ourselves wet since the rain shade couldn't accomodate us anymore (she hasn't noticed during the argument that even with umbrellas, we were already wet! Sa tagal ba namin naghintay sa labas..=,( ...) Buti nalang mapilit/masungit yung mga kasama namin, they had no choice so they opened the gate and let us come in, else I'd be very upset (because I really made an effort to wake up at 7 am.I always wake up 1 PM during weekends).

My rant: There is still an uncovered area within the vicinity. And the embassy has been there for a long period of time. We expect to have some rainy months in Singapore. Hindi kaya nila naisip gawan ito ng paraan?

Please give me some light..

the uncovered area

2. That when they cut the queue and you are still in line, you have to start from step one again when you come back.

-while waiting for our turn, we met this ate who went there last week . Told us she already completed the first step, (queue in Window 5 for half day - just to have your application form checked) but 5:30 PM they had to cut the queue for photo taking and encoding info details so she had to return today but to her surprise she was told to do step one again. I saw her number, she's 145th in line. Then I checked the number being served, 73rd. I uttered a prayer for her, sana hindi sya maabutan ng cut off, kawawa naman. By the way, we are 110th in  queue, and we completed all steps around 4:00 PM.

Tita's rant: Mabagal daw yung encoder, usually takes 5-10 minutes per person to encode the information, get thumb marks and take photo. Pero mababait naman daw yung staffs.

My rant: We have domestic worker kababayans here. Their usual day-off , according to my cousin who happened to be a domestic helper here(and by the way, I'm proud of her, she's a breadwinner but still managed to get a parcel of land and a tricycle for her brother) is every other sunday. There are also some who go out once a month or every other month, depending on their employer. Paano pag sila naabutan ng cut off? They'll have to wait again for their next off and spend the whole day squeezing through a crowd at the embassy. Supposedly nagrerelax na lang sila nun.

Please give me some light..


3. That Philippine embassy is closed on Saturdays.

Tita's rant: Sana weekdays nalang ang off nila para maaccomodate lahat ng hindi pwede ng weekdays, at hindi na kailangang mag take ng leave.

-a normal employee here is entitled for about 8 to 15 days of annual leave. And we reserve these leaves usually to spend holiday with our loved ones. Masakit sa loob magleave para lang pumunta sa embassy at ma-stress sa pila..Hehe.. =)

Hope they could do something about it.

4. That embassy is closed on both Philippine- and Singapore -declared holidays.

My rant:  I'm bitter. Sana kami din!

In all fairness, I have not encountered a rude staff. And I applaud them for that.  But just like what our government is always saying, that we, the OFWs, are the modern-day heroes, would it give us a license to demand for better? A service that we deserve? =)

Friday, September 3, 2010

Love Letter ng Isang Ama

Aking Anak
Marahil hindi mo Ako kilala,
subalit batid ko ang lahat tungkol sa iyo
Awit 139:1


Batid ko kapag ika'y nakaupo
at kapag ika'y nakatindig

Awit 139:2

Batid ko ang lahat ng gawain mo
Awit 139:3

Maging ang mga buhok mo sa ulo ay aking nabibilang
Mateo 10:29-31


Pagkat ika'y nilikha sa aking wangis
Genesis 1:27

Sa akin ika'y buhay, nakakakilos at ganap
Gawa 17:28
Pagkat ika'y nagbuhat sa akin
Gawa 17:28

Kilala na kita bago ka pa ipinaglihi
Jeremias 1:4-5

Hinirang na kita nang balakin ko ang paglikha

Efeso 1:11-12
Hindi ka isang pagkakamali, pagkat lahat ng araw
mo'y nakatitik sa aking aklat
Awit 139:15-16

Aking itinakda ang panahon ng 'yong pagsilang
at saan ka mananahan
Gawa 17:26

Buong ingat at buong inam kitang nilikha
Awit 139:14

Aking hinugis ang lahat mong sangkap sa
sinapupunan ng 'yong ina
Awit 139:13

At iniluwal ka sa araw ng 'yong pagsilang

Awit 71:6

Ako'y di wastong pinakilala ng mga hindi
nakakikilala sa akin
Juan 8:41-44
Hindi Ako malayo ni galit,
sa halip Ako'y ganap na kapahayagan ng pag-ibig
1 Juan 4:16

At nasa 'kong puspusin kita ng aking pag-ibig
1 Juan 3:1

Dahil ika'y aking anak at Ako ang iyong ama
1 Juan 3:1

Aking ihahandog sa iyo ang higit pa sa maaaring
ibigay ng iyong ama
Mateo 7:11

Dahil Ako ang ganap na ama
Mateo 5:48

Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinatanggap ay
galing sa aking kamay
Santiago 1:17
Pagkat Ako ang nagkakaloob at katatagpuin ko ang lahat ng
iyong pangangailangan
Mateo 6:31-33

Aking plano para sa iyong kinabukasan
ay laging puspos ng pag-asa
Jeremias 29:11


Pagkat ika'y mahal ko ng walang hanggang pag-ibig
Jeremias 31:3

Ang aking isipan patungkol sa iyo
ay sindami ng buhangin sa dalampasigan
Awit 139:17-18

At Ako'y masayang aawit sa iyo ng may kagalakan
Sofonias 3:17


Ako'y di titigil sa paggawa ng mabuti sa'yo
Jeremias 32:40


Dahil ikaw ang aking pinakamamahal na kayamanan
Exodo 19:5


Aking nais na patatagin ka ng buong
puso't kaluluwa ko
Jeremias 32:41


At nais kong ipahayag sa iyo ang mga dakila't
mahihiwagang bagay
Jeremias 33:3


Kung Ako'y buong puso mong hahanapin,
Ako'y iyong masusumpungan
Deuteronomio 4:29


Hanapin mo sa akin ang iyong kaligahayan
at aking ibibigay ang mga naisin ng iyong puso
Awit 37:4


Pagkat Ako ang nagbigay ng iyong mga naisin
Filipos 2:13

Ako'y makagagawa ng higit sa iyong iniisip
Efeso 3:20


Dahil Ako ang iyong dakilang mang-aaliw
2 Tesalonica 2:16-17

Ako din ang Ama na aaliw sa
iyo sa lahat ng kapighatian
2 Corinto 1:3-4


Kapag ika'y bigo, Ako'y malapit sa iyo
Awit 34:18


Tulad ng pagkanlong ng pastol sa isang tupa,
Kinanlong kita palapit sa aking puso
Isaias 40:11


Isang araw papahirin ko ang bawat luha
sa iyong mga mata
Pahayag 21:3-4


At aking papawiin ang lahat ng
hirap na iyong dinanas sa mundong ito
Pahayag 21:3-4


Ako ang iyong Ama, at iniibig kita gaya ng aking pag-ibig
sa aking anak na si Jesus
Juan 17:23

Pagkat kay Jesus,
ang pag-ibig ko sa iyo ay nahayag
Juan 17:26


Siya ang ganap na sinag ng aking pagka Diyos
Hebreo 1:3


Siya ay dumating upang ipakita na Ako ay panig sa iyo,
at hindi laban sa iyo
Roma 8:31


At upang sabihin sa iyo na hindi ko
binibilang ang iyong mga kasalanan
2 Corinto 5:18-19


Si Jesus ay namatay upang ikaw
at Ako ay magkasundo
2 Corinto 5:18-19


Ang kanyang kamatayan ay naging ganap na
kapahayagan na ng aking pag-ibig sa iyo
1 Juan 4:10


Aking ipinagkaloob ang lahat ng aking iniibig upang
makamit ang iyong pag-ibig
Roma 8:31-32


Kung iyong tatanggapin ang kaloob ng aking anak
na si Jesus, tinanggap mo rin Ako
1 Juan 2:23


At wala nang makapaghihiwalay
sa iyo sa aking pag-ibig
Roma 8:38-39


Umuwi ka na sa akin at Ako'y magpapahanda ng
pinakamalaking handaan na mangyayari sa langit
Lucas 15:7


Ako ang Ama sa pasimula pa,
at palaging magiging Ama
Efeso 3:14-15


Ang tanong ay…
Maaari ba kitang maging anak?
Juan 1:12-13


Ako ay naghihintay sa iyo…
Lucas 15:11-32


Nagmamahal, Iyong Tatay
Makapangyarihang Diyos

Streetboys at USS



T'was surprising to see 5 members of the famous streetboys dancers working at Universal Studios as performers (huli na ba ko sa balita? ^^).. we caught them performing twice and they constantly gained applause and 'wows' from the crowd. In spite of the recent hostage drama in Quirino grandstand, I'm still proud to be Pinoy. ^^

Herle vs Ric vs Kate

(while waiting for the train at somerset mrt station with herle and kuya rocky)


Topic: Mga sakit sa katawan

RIC: Try mo yung *********** na product ok sya, nung uminom ako gumaling ako e. Ngayon naman tumaas naman yung highblood ko


--taob kaming tatlo
____________________________________________________________________________________

 on Ric and another brother's conversa(Herle and I eavesdroppingtion while swimming..)


Topic: Race (the guy lives in the northern part of Luzon)

Ric: So Ilocano ka?
Guy: Oo
Ric: Aaaa...
(after 3 seconds..)

Ric: E Bisaya marunong ka?
(hehehehehehe...
____________________________________________________________________________________
(at 313 food court after the Sunday service with Ate Sarj, Kuya Rocky, Ric and Herle)


Topic 1: House concerns
Herle and Ric discussing, kuya rocky ate sarj and I listening...
Herle: bakit kasi ganto ganto ganto...blah blah..***talk talk talk**
Ric: O cge kung gusto mo ganto nalang..
Herle: Hindi...cge ok lang, pero hindi ok e.


(ano ba talaga? hahaha!)


Topic 2: Job

Ric: hindi naman kasi pwedeng ganon..pero pwede.

(ano daw?)


Topic 3: Job pa din


Ric: Hindi ko sinasabi yung reason, pero at the back of my mind..
Herle: Ric bakit ka laging may back of your mind?


(errrr...)


Topic 4: Job pa din


Ric: Hopefully next month ok na
Herle: Lagi mong ginagamit yung hopefully
Kate: Kasi nga full of hope sya
Ric: Hindi, kasi I believe..
Kate: E di believably dapat..'believably next month ok na' ganun..


(o nga naman!)




Topic 5: Friday gimik

(pauwi na kami, before maghiwa-hiwalay we prayed together)

Kuya Rocky: ....Lord samahan mo po kami sa lakad namin sa friday.amen


(5 seconds after ng prayer)

Herle: So tuloy nga tayo sa Friday?
Kate: Pinagpray na nga di ba?
____________________________________________________________________________________


After dinner, Ric and Herle went to supermarket to buy one piece of delata.


(Si Herle kumuha ng basket..)




Lols
____________________________________________________________________________________


(at cafe cartel resto, plaza singapura with herle, mich, ric, kuya rocky and ate sarj)

Topic: Mountains and Volcanoes na magandang akyatin


Ate Sarj: meron magandang akyatin sa visayas region e..
Kate: yung Mt. Apo?
Ate Sarj: hinde, parang letter 'E' ang start..
Kate: aaahhh...Mt. Epo?


(tumahimik lahat..)


_____________________________________________________________________________________


(at Sembawang..si Herle at Ric kakalipat lang ng bahay)


Herle: Ric sana may TV na tayo para makatulog na..




TOINKZ!
______________________________________________________________________________________


(at 313 food court, after sunday service)


Kate: May ni-copy si Sherwin na series sa laptop ko e, Chuck yung title.
Herle: Tungkol saan yun?
Kate: Basta parang nerd name nya Chuck tapos nakalap nya yung mga info ganun ganun..di ko tinapos di ko maintindihan kasi english e..basta ganun.


Ric: Ahhh yung Chuck!
.


.

:x

_________________________________________________________

Ric & Herle Mag-g-grocery sa Giant (a large supermarket here in SG)


Herle: Ric tara sa giant para makakita tayo ng giant!
_______________________________________________________________


Location: Sa kusina.
Herle: O, Ric, bakit tong baso mo nandito pa sa lababo?
Ric: Ayy, hindi ko pa nalalabhan!
_____________________________________________________________________

Scene: Ric cooking adobo
Ric: Herle tikman mo nga to, parang maalat nilagyan ko kasi ng kalamansi.



:D :D :D
_______________________________________________________________________


Topic: Ate Eve's bag

Herle: Yung buong bag kinuha?
Ric: Alangan namang kalahating bag!
________________________________________________________________________

Location: Starbucks

 
Herle: Maganda yun, single sya walang asawa.
Kuya Rocky: May single ba na may asawa?
________________________________________________________________________

 
Topic: Singapore National Day

Ate Gina: Punta tayo sa Istana sa Monday kasi national day lang yun binubuksan sa public.
Ric: Dapat po agahan natin kasi mataas yung pila.
__________________________________________________________________________